Sulit ang pagod at puyat sa pag-review, dahil ang ang tatlong kababayan natin, certified licensed Engineers na, topnotchers pa!
Sa katatapos lamang na Civil Engineers Licensure Examination kamakailan, sa rating na 93.55 ay nakuha ang top 3 ng pride ng barangay Doyong, Calasiao na si Engr. Ericson Sanchez Abalos ng University of Pangasinan-Phinma sa Dagupan City.
Top 5 naman ang kapwa Calasiaoeño nitong si Engr. Mark Nelson Posadas Rosario ng barangay Nagsaing na graduate din ng parehong unibersidad at nakakuha ng 93.05% rating.
Hindi naman nagpahuli ang tubong San Carlos City at graduate ng Pangasinan State University na si Engineer John Paul Bacani De Guzman dahil nakuha nito ang top 8 sa score na 92.25%.
Binigyang pagkilala ang mga bago nating engineers ng kani-kanilang bayan bilang mga bagong inspirasyon sa mga kapwa nila nangangarap na maging mahuhusay na enheniyero ng kanilang henerasyon.
Talagang hindi imposibleng makamit ang mga ganitong tagumpay kapag pursigido ka, kaya mula sa iFM Dagupan saludo kami at buong pusong bumabati sa ating mga bagong topnotcher engineers! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










