MASAMANG PANAHON, NAKAAPEKTO SA HANAPBUHAY NG ILAN MGA MANGINGISDA SA DAGUPAN

Hindi alintana ng ni kuya Cimo at mga kasama nitong mangingisda ang ulan at tuloy sa pagsasaaayos ng kanilang mga lambat sa tabing dagat ng Bonuan Tondaligan sa Dagupan City, kahapon.

Hindi umano sila pumalaot ngunit titignan umano nila ngayong araw kung kakayanin ng kanilang bangka at mga kasamahan na pumalaot para makapangisda.

Bagamat mahirap dahil wala umanong kikitain kung sakali ay mas mabuti na umanong unahin ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang disgrasya sa gitna ng dagat.

Hindi rin naman umano sila papalaot kung sakaling magbaba ng abiso ang awtoridad sa oras na lalo pang sumama ang lagay ng panahon.

May ilan ding kaming nadatnan sa baybayin na nagtitinda ng kanilang mga huling isda at lamang-dagat sa kabila ng malakas na pag-uulan at hangin, kahapon.

May ilang bahagi rin ng kalsada ang may tubig baha matapos ang pag-uulan kaya naman hinay-hinay rin ang mga motorista sa kanilang pagbiyahe.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagbabantay ng awtoridad sa lagay ng panahon at pinayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa abiso ng kinauukulan para sa mga napapanahong ulat ukol sa masamang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments