Ifugao Rep. Teddy Baguilat, pinakakasuhan si Justice Sec. Vitaliano Aguirre

198

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na kasuhan na si Justice Sec. Vitaliano Aguirre dahil sa ginawang pagsabit nito sa maute group sa mga kasamahang mambabatas mula sa oposisyon.

Nanggagalaiti si Baguilat at iginiit na dapat mayroong magsampa ng kaso laban kay Aguirre.


Dapat na aniya itong makulong kung wala namang mailalabas na ebidensya sa kanyang mga bintang.

Aniya, maituturing si Aguirre na fabricator of dangerous lies kaya dapat na itong papanagutin sa batas.

Ginagamit aniya ng kalihim ang posisyon nito para bumuo ng conspiracy para bigyang katwiran ang pagpapakulong sa mga kontra sa Duterte administration.

Una nang isinangkot ni Aguirre sina Senators Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating Secretary Ronald Llamas na nakipagpulong sa Marawi City noong May 2.




Pero, kumambyo si Aguirre at sinabing misquoted lamang siya matapos siyang masopla ng ebidensiya ng kanyang mga isinasangkot sa Maute group.
DZXL558

Facebook Comments