Ika-6 na maritime exercise, isinagawa sa Palawan at Mindoro

Muling pinatunayan ng tropa ng Pilipinas at Amerika ang kanilang husay sa estratehiya at koordinasyon sa ika-anim na Bilateral Maritime Cooperative Activity na isinagawa sa karagatang sakop ng Palawan at Occidental Mindoro.

Sa panig ng Pilipinas, lumahok ang BRP Ramon Alcaraz at BRP Domingo Deluana ng Philippine Navy, gayundin ang BRP Melchora Aquino at BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard.

Kasama rin ang AW109 helicopter ng Philippine Navy, Sokol helicopter at Super Tucano aircraft ng Philippine Air Force.

Hindi naman nagpahuli ang Amerika sa pagpapakita ng lakas kung saan nagpakitang gilas ang U.S. Coast Guard Cutter Stratton (WMSL 752) habang umalalay sa ere ang U.S. Navy P-8A Poseidon maritime patrol aircraft.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang aktibidad ay pagpapaigting ng kakayahan sa surveillance, interoperability, at operational coordination ng dalawang magkaalyadong bansa.

Facebook Comments