
Nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa publiko kaugnay sa mahigpit na ipinatutupad na regulasyon sa pagpapalipad ng drone.
Ito’y upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at proteksyon ng airspace.
Ayon sa CAAP, ito ay upang maiwasan ang mga seryosong banta sa buhay at seguridad.
M
Kasunod nito, naglabas ang ahensya ng infographic kung saan nakasaad ang mga dapat at hindi dapat gawin para sa mga operator ng drone.
Paalala sa publiko na ang commercial drone operator ay nangangailangan ng certificate of authorization mula sa CAAP.
Dapat ding makipag-ugnayan sa local government unit (LGU) para matukoy ang naturang ordinansa.
Facebook Comments