Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong Pangasinan ngayong Agosto 4, 2026.
Ito ay matapos lagdaan ni Governor Ramon V. Guico III ang direktiba bilang paghahanda sa inaasahang matinding pag-ulan dulot ng Tropical Cyclone “Luis” at ng habagat na pinalalakas ng Tropical Cyclone “Dolphin.”
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ipatutupad ng mga paaralan ang modular distance learning, performance tasks, o make-up classes alinsunod sa kanilang Learning and Service Continuity Plans.
Samantala, nasa pagpapasya ng mga pribadong kumpanya at tanggapan kung magsususpinde rin sila ng trabaho. Hindi naman saklaw ng suspensyon ang mga ahensyang nagbibigay ng frontline at emergency services, kabilang ang mga nasa sektor ng kalusugan, disaster response, at seguridad upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo.
Kasabay nito, naka-full alert ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Pangasinan. Naka-standby na ang mga rescue personnel at sasakyan habang patuloy na binabantayan ang posibleng epekto ng bagyong “Luis” at ng habagat.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang PDRRMO sa iba’t ibang response clusters at mga lokal na pamahalaan upang mabantayan ang lagay ng panahon at agad na makaresponde sa anumang insidente. Nakapagsagawa na rin ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pre-Disaster Risk Assessment bilang bahagi ng kanilang paghahanda.
Samantala, nananatiling 24 oras ang operasyon ng Emergency Operations Center para sa tuloy-tuloy na weather monitoring at agarang pagtugon sa mga posibleng emerhensiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments