IKATLONG QUARTER NG SOCIAL PENSION NG MGA SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG BASISTA, NATANGGAP NA

12
Natanggap na ng mga rehistradong mga senior citizens Bayan ng Basista ang ikatlong quarter ng kanilang social pension.
Sa ngayon, natanggap na lahat ng mga barangay ang kanilang ng 3rd quarter social pension kung saan pinamumunuan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Alicia B. Aquino at ng Office of the Senior Citizens Affair sa pamumuno naman ni Ophelia V. Obando at Senior Citizens-Focal Person Mr. Alexander A. De Vera.
Labis labis naman ang mga senior citizens kahit papaano raw hindi sila nakakalimutan ng pamahalaan na kahit matanda na sila ay nabibigyan pa rin sila ng pansin at tulong pinansyal para sa kanilang pamumuhay. | ifmnews

Facebook Comments