Ikinasang job fair ng Marikina LGU, naging matagumpay

Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na naging matagumpay ang pagdaraos ng job fair kahapon, Labor Day.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, aabot sa 36 na aplikante ang hired on-the-spot mula sa humigit kumulang 450 aplikanteng dumagsa sa mga ikinasang job fair.

Una rito, dalawang job fair ang inilatag sa lungsod partikular na sa City Hall complex gayundin sa SM Marikina na nilahukan ng may 50 kompanya.


Naniniwala si Mayor Teodoro na sa pamamagitan ng mga ikinasang job fair ay makatutulong ito para mapalakas ang labor force gayundin ay makapagbigay oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa Department of Labor and Employment o DOLE gayundin sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagdaraos ng matagumpay na job fair.

Facebook Comments