Ilang biyahe ng barko sa Visayas, kanselado, bunsod ng hagupit ni ‘Aghon’

Inanunsiyo ng Philippine Ports Authority (PPA) na kanselado muna ang ilang biyahe ng mga barko sa Visayas dahil sa epekto ng Bagyong Aghon.

Ayon sa PPA, kinansela ang biyahe ng mga barko ng Kho Shipping Lines na MV Masbate City na may biyaheng Mintac – Calbayog; kanselado rin ang biyahe ng Cawayan to Polambato sa Bogo City na MV Palanas Star.

Tigil din ang biyahe ng Mobo – Calbayog – Cebu na MV Pio Corpuz Star at ang biyaheng Mobo to Pio Duran ng MV Cataingan Star.


Pinayuhan naman ng PPA ang mga biyahero na hintayin ang updates ng kompanya para sa mga susunod na advisory.

Sa ngayon ay wala pa namang namo-monitor na mga stranded na pasahero ang PPA.

Facebook Comments