
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ilang employers mula sa Gitnang Silangan ang nais na bumisita sa Pilipinas.
Ito ay para pag-aralan ang overseas employment program ng Pilipinas, kabilang na ang ligtas na pag- recruit at pag-deploy ng Overseas Filipino Workers o OFWs.
Layon din nito na maiwasan ang illegal recruitment.
Sa kanyang pagtungo sa Saudi Arabia, inilatag din ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan ang mga kasunduan para sa pagkuha ng Pinoy workers.
Kabilang dito ang proteksyon sa OFWs at ang mga angkop na labor migration policies.
Sinabi ni Cunanan na sampung mga bansa rin ang nakausap niya nang dumalo siya sa Global Labor Market Conference.
Kasama aniya rito ang Kingdom of Saudi Arabia, Finland, Bahamas, Oman, Jordan, Egypt, Indonesia, Tajikistan, Kyrgyzstan, at Libya.
Lahat aniya ng mga ito ay nagpahayag ng interes na kumuha ng Filipino skilled workers.