Nagpakilalang tauhan ng US Embassy, hinuli ng mga awtoridad matapos dumaan sa EDSA Busway

Tiniketan ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ng Department of Transportation o DOTr ang isang driver na nagpakilalang mula sa US Embassy.

Ito ay matapos na dumaan sa EDSA Busway ang driver.

Wala rin itong naipakitang lisensya kaya kinunan na lamang ng larawan ng mga awtoridad ang kanyang passport.


Pumalag naman dito ang isa pang American national at iginiit nito na burahin ang larawan sa cellphone ng awtoridad dahil ito raw ay labag sa International Law.

Iginiit din nito sa apprehending officer na tumawag sa high-ranking police officer para maresolba ang issue at para hindi na ito makarating sa US Embassy.

Kinumpirma naman ng U.S. Embassy na nakarating na sa kanilang kaalaman ang insidente.

Ayon sa Embahada ng Amerika, inatasan nila ang kanilang mga staff na sumunod sa mga batas ng Pilipinas kabilang na ang mga batas-trapiko.

Facebook Comments