
Pinabulaanan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na aalisin na ang EDSA Busway para bigyang daan ang mga pribadong sasakyan.
Ayon kay Bautista, mananatili ang dedicated lane para sa mga bus at sa halip ay magkakaroon lamang ng improvements sa gagawing pagsasapribado rito sa operasyon at pangangasiwa.
Bahagi aniya ng plano na gawing international standards ang EDSA Busway para maging komportable ang mga pasahero.
Sinabi ni Bautista na matatapos ang feasibility study sa pagsasaayos sa EDSA Busway sa mga susunod na buwan.
Sa katapusan naman ng susunod na taon inaasahang mai-a-award ang operasyon at pangangasiwa sa pribadong sektor.
Facebook Comments