Karagdagang kaso, isasampa ng PNP laban sa mga suspek na sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo

Magsasampa pa ng karagdagang kaso ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga suspek na nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na 13 kaso pa ang isasampa ng PNP sa mga susunod na araw.

Kasama sa sasampahan ng kaso ang posibleng mastermind sa krimen na hindi pa rin tinutukoy sa ngayon ng PNP.


Nabatid na aabot na sa 17 mga kaso na naisampa ng PNP laban sa mga suspek sa pagpatay kay Gov. Degamo.

Kabilang na rito ang murder, frustrated murder, attempted murder, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of Explosives.

Kasama sa nasampahan ng patung-patong na kaso ang apat na naarestong suspek at iba pang ‘John Does’.

Facebook Comments