Tuesday, June 30, 2026

Ilang kalsada malapit sa Mendiola, isinara na sa mga motorista kasabay ng rally ng INC

Isinara na ng Philippine National Police (PNP) ang magkabilang bahagi ng Ayala Bridge kasunod ng kilos protesta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Maging ang magkabilang lane ng Recto Avenue mula Loyola patungong Mendiola ay sarado na rin habang nakapwesto na ang tatlong container van.

Ang Legarda, kanto ng Figueras Street na malapit sa Mendiola, ay isinara na rin sa mga motorista, maging sa mga pedestrian kung kaya’t pinaiikot sa Loyola Street ang mga nais magtungo sa Recto.

Ang harapan naman ng Mendiola ay bantay sarado na rin ng mga tauhan ng PNP kung saan ang hakbang ay bilang pagtalima sa inilatag na security measures.

Nabatid na paraan din ito upang hindi na maulit pa ang nagyaring magulong kilos protesta noon September 21 kaya todo bantay at pagmo-monitor ang PNP.

Facebook Comments