Tuesday, June 30, 2026

Kilos-protesta ng mga miyembro ng INC sa EDSA People Power Monument, hindi pa masabi kung anong oras matatapos

Siksikan pa rin ang mga humigit kumulang 10,000 raliyista na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument at White Planes ngayong Martes, June 30.

Ito ay dahil sa mga raliyista na nagsasagawa ng programa sa nasabing mga area para ipahiwatig ang kanilang pagkondena sa umano’y pagsasampa ng kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng umano’y campaign donation ni dating mambabatas Mike Defensor; maging ang panawagan umano sa gobyerno na gawing transparent ang inbestigasyon sa kurapsyon at panagutin ang mga sangkot dito.

Sa kabila ng girian kanina, eh “generally peaceful” pa rin umano ang nasabing aktibidad ayon na rin kay Police Major Hazel Asilo, Spokesperson ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Samantala, wala pang kasiguraduhan kung hanggang anong oras ang aktibidad ng mga raliyista, pero naka-full alert naman ang NCRPO simula pa kaninang alas-5am.

Samantala, umabot naman na sa apat na raliyista ang inaresto ng pulisya, kabilang ang driver ng bus na nakaipit ng isang babaeng pulis, isang nanapak ng pulis, at dalawa pa na hindi sumusunod o unrully sa pulisya; habang dalawang pulis naman ang sugatan na agad naman umanong dinala sa PNP General Hospital.

Facebook Comments