Ilang kalsada sa Metro Manila, sarado muna ngayong weekend

Magsasagawa ng weekend road repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinimulan ang aktibidad kagabi, Abril 8 at bubuksan ang mga apektadong kalsada alas-5:00 ng umaga sa Lunes, Abril 11.

Narito ang mga maaapektuhang kalsada:


• EDSA-Quezon City NB pagkatapos ng P. Tuazon- Araneta Central A (1st lane mula da sidewalk)
• Cubao MRT Station – Aurora Blvd. (2nd lane mula sa sidewalk) pagkatapos ng Aurora Blvd. – end of tunnel sa tabi ng Central Wall
• C-5 Road Makati City NB sa bahagi ng C-5 Northbound (inner lane)
• EDSA-Caloocan SB pagkatapos ng A. De Jesus St. (3rd lane mula sa sidewalk)
• EDSA NB bago at pagkatapos ng Gate 3 Camp Aguinaldo (1st block mula sa Bus Carousel)
• C.P. Garcia Ave. sa harap ng Mineralogy (1st block mula sa sidewalk)
• EDSA SB EDSA Service Road corner Timog Avenue hanggang Kamuning Road
• C-5 Road sa Pasig Blvd. Southbound, sa bahagi ng Doña Julia Vargas Westbound, sa C-5 Road Southbound

Payo sa mga motorista na maghanap muna ng mga alternatibong ruta upang hindi maabala.

Facebook Comments