Sa isinagawang budget hearing ng Sangguniang Panlungsod, ipinaliwanag ng kinatawan ng Youth and Sports Development Office na si Ms. Finnela T. Sim, Sports Development Officer IV na gagamitin ang karagdagang pondo sa pagsasanay ng mga atleta, pagsuporta sa mga sports competition, at mga programang pampalakasan sa barangay.
Kabilang din sa panukala ang halos ₱900,000 para sa pagbili ng sports equipment na hindi napondohan sa nakalipas na tatlong taon.
May karagdagang ₱1.3 milyon din para sa pasahod sa mga sports coach na nagtatrabaho bilang job order personnel ng lungsod.
Samantala, ₱2.1 milyon ang nakalaan para suportahan ang mga programa ng Supreme Secondary Learner Government o SSLG at Supreme Elementary Learner Government o SELG ng Department of Education.
Layunin nitong palakasin ang leadership development at partisipasyon ng mga kabataan, partikular sa pagtugon sa kakulangan ng lungsod sa youth representation na bahagi ng pagsusuri sa pagiging child-friendly ng Dagupan.
Sa pagdinig, kinuwestiyon din ng mga konsehal kung paano iuugnay ang programa sa mga youth representative ng mga barangay.
Iginiit naman ng tanggapan ang kahalagahan ng koordinasyon sa DepEd upang matiyak ang maayos na pagpili at partisipasyon ng mga kabataan.
Patuloy pang sumasailalim sa pagsusuri ng Sangguniang Panlungsod ang panukalang alokasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








