ILANG MAG-AARAL NG CAUAYAN CITY HIGH SCHOOL, BALIK-ESKWELA NA

Cauayan City, Isabela- Balik-Eskwela na ang mga estudyante ng Cauayan City National High School (CCNHS) ngayong araw partikular ang Grade 8 para sa kanilang limited face-to-face classes.

Bilang pag-iingat, kailangan munang maglog-in ang mga ito sa pamamagitan ng HealthGuard App upang matiyak ang mga papasok na mag-aaral maging ang kondisyon ng kalusugan.

Bago tuluyang simulan ang klase, nagkaroon muna ng tradisyunal na flag ceremony ang mga bata, sinundan ng nakaugaliang pag-eehersisyo at pinakain rin ang mga ito ng lugaw na inihanda ng eskwelahan.

Bakas naman sa mga ngiti ng mga estudyante ang kanilang pagbabalik paaralan matapos ang higit dalawang taon at umaasa rin ang mga ito na magtutuloy-tuloy na ang traditional classes sa loob ng silid-aralan.

Facebook Comments