Pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay CSC Chairman Nograles, hindi midnight appointment

Tahasang pinabulaanan ng Palasyo na midnight appointment ang ginawa kay Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles.

Ayon kay Presidential Communications Group (PCOO) Secretary at acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, saklaw pa ng oras at panahon na pinapayagan ng batas ang pagtatalaga kay Nograles sa bago nitong pwesto sa CSC.

Dadaan pa aniya sa pagkumpirma ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga sa bagong pwesto ni Nograles.


Ito aniya ang dahilan kung bakit ad interim appointment ang nakalagay sa kaniyang papel bagama’t pitong taon ang termino nito bilang pinuno ng CSC.

Facebook Comments