Ilang mga beterano, pinangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Manila North Cemetery

Nakiisa ang ilang mga beterano sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ginunita ng mga beterano ang Araw ng Kalayaan sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolución sa Manila North Cemetery kung saan nakalibing ang labi ng maraming sundalo na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Unang nagsagawa ng Wreath-laying ceremony na pinangunahan ng mga beterano kasama ang kani-kanilang pamilya na mula pa sa ibang lungsod at kalapit na lalawigan.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Manila City Vice Mayor Yul Servo, National Historical Commission of the Philippines (NHCP), at Veterans Federation of the Philippines (VFP).

Bagama’t hindi maganda ang lagay ng panahon, nairaos pa rin ang programa kung saan binigyang pugay ang bawat beterano dahil sa mga nagawa nila para makamit ang kasarinlan ng bansa.

Facebook Comments