NGCP grid fee ngayong Hunyo, tumaas

Tumaas ang average ancilliary services rate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong Hunyo.

Ang mas mataas na fee para sa ancilliary services ay humantong sa pagtaas sa pangkalahatang rate ng kuryente para sa mga konsumer ngayong buwan.

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbaba ng average na singil sa transmission charges noong Mayo.

Sinabi ng NGCP na ang transmission wheeling charges na sumasaklaw sa cost ng paghahatid ng kuryente sa pamamagitan ng high-voltage network ay bumaba ng 0.27% sa 0.4593 pesos kada kilowatt-hour noong Mayo, mula sa 0.4605 pesos per kilowatt-hour noong Abril.

Habang ang average na rate ng ancilliary services ay umabot ng 9.29%.

Paglilinaw ng NGCP na ang anciliary services rates ay kinokolekta lamang nila at direktang ipinadala sa generation companies.

Ang ancillary services (AS) na kilala rin bilang support service na ginagamit upang balansehin at patatagin ang grid sa panahon ng power supply-demand imbalance, ay mula sa AS reserve market o mula sa AS providers na may bilateral contracts sa NGCP.

Ang updated rate ay makikita sa mga singil sa kuryente ng mga konsumer ngayong Hunyo.

Facebook Comments