
Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng halos 11,000 pulis sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng ika-127 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Randulf Tuaño, kabuuang 10,969 pulis ang itinalaga para tiyakin ang seguridad sa iba’t ibang aktibidad sa kalakhang Maynila.
Isa sa mga pangunahing sentro ng selebrasyon ngayong umaga ay ang Quirino Grandstand sa Rizal Park, Maynila, kung saan pinangunahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, nananatiling normal ang puwersa ng mga pulis sa iba’t ibang Police Regional Offices (PRO) sa mga lalawigan.
Facebook Comments