Ilang mga guro, umatras bilang miyembro ng electoral board

Kinumpirma ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may 30 guro sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang hindi na tutuloy para maging mga Board of Electoral Inspectors (BEI).

Nilinaw naman ni Garcia na walang pananakot o hindi napilitan ang mga guro na umatras.

Aniya, umatras ang mga guro dahil 20 kasi sa kanila ay kaanak ng mga kandidato habang ang 10 ay may problemang pangkalusugan.

Dagdag pa ni Garcia, agad naman silang napunan ng mga pulis na sinanay bilang electoral board.

Sinabi pa ni Garcia na galing sa ibang lugar ang mga pulis na aaktong electoral board para maiwasan ang anumang duda na masasangkot sila sa iregularidad sa botohan.

Facebook Comments