
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Pope Leo XIV o Cardinal Robert Francis Prevost ng Estados Unidos para sa kaniyang pagkakahalal bilang bagong pinuno ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Pangulong Marcos, nawa’y mailapit pa ni Pope Leo XIV ang Simbahan sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.
Taimtim din aniyang ipinagdarasal ng sambayanang Pilipino ang kalakasan at mabuting kalusugan ng bagong Santo Papa habang ginagabayan niya nang biyaya, karunungan, at malasakit ang mga mananampalataya.
Umaasa ang pangulo na ang buhay at paglilingkod ni Pope Leo XIV ay magiging inspirasyon sa ating pagtitiyaga sa araw-araw na paglalakad kasama si Hesu Kristo.
Facebook Comments