
Magdaragdag pa ng electronic gates para mapabilis ang immigration processing ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Dizon, nais nilang ma-experience ng mga pasahero ang komportable at mabilis na proseso sa terminal.
Target din nilang mabuksan ito bago mag-Pasko lalo na’t inaasahan ang dagsa ng mga mag-uuwian at magdaratingang mga pasahero.
Dagdag pa ni Dizon, malaki rin ang maitutulong ng karagdagang E-gates para naman sa mga turistang magtutungo at papasok ng bansa.
Sa huli, sinabi ni DOTr Sec. Dizon na pina-prioritize pa rin nila ang ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa mabilisang pag-aasikaso ng kanilang mga dokumento.
Facebook Comments