Ilang OFWs na hindi apektado ng Hong Kong travel ban, lumilipat na sa ibang bansa

Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na hindi makabalik doon ang lumilipat na ngayon sa ibang bansa.

Ilan sa mga ito ay nagtutungo na lamang sa Middle East habang ang iba ay sa Singapore.

Una nang nanindigan ang Hong Kong government na hindi nito babawiin ang extension ng travel ban sa Pilipinas at 8 pang mga bansa.


Sa harap ito ng patuloy na naitatalang halos 60,000 bagong COVID-19 sa Hong Kong kada araw.

Mahigpit naman ang paalala ng Philippine Consulate sa Hong Kong, sa OFWs doon na iwasan ang pagtitipon ng mahigit sa dalawang indibidwal upang maiwasan na magmulta ng malaking halaga ng salapi.

Facebook Comments