Ilang pang malalaking kompanya at industriya, nagpataw na rin ng parusa laban sa Russia

Lalo pang nadagdagan ang mga kompanya at industriya na nagpatupad ng parusa laban sa Russia kaugnay sa nagpapatuloy na pagsakop nito sa Ukraine.

Kasama na rito ang American aviation giant na Boeing kung saan sinuspinde na nito ang suporta sa mga Russian airlines at ang operasyon nila sa Moscow.

Itinigil na rin pansamantala ng tatlong pinakamalaking container shipping groups sa buong mundo na Maersk, MSC at CMA CGM ang non-essential deliveries papasok at palabas ng Russia.


Itinigil na rin ng kilalang electronics company na Apple Inc. ang kanilang pagbenta ng Iphone at ibang produkto nito sa Russia

Hindi na rin welcome sa gaganaping Cannes Film Festival ngayong taon ang mga Russian delegates hangga’t hindi tumitigil ang Russia sa pananakop sa Ukraine.

Sumunod na rin Paramount Pictures Corporation sa Disney, Sony at Warner Bros. sa hindi paglalabas ng mga bago nito pelikula sa Russia dahilan para maapektuhan ang inaabangang “The Batman” na ilalabas na sa Amerika ngayong Biyernes.

Facebook Comments