Wednesday, August 5, 2026

ILANG PANGASINENSE, UMAASANG MAGTUTULOY-TULOY ANG ALOK NG PROGRAMANG BENTE PESOS NA BIGAS

Maaga pa lang, nakapila na si aling Rowena sa PHP20 rice program ng pamahalaan na inialok sa kanilang bayan sa Sual, kamakailan.

Aniya, nagtitiis umano siyang pumila sa mga ganitong programa dahil malaking tulong na mabawas sa kanilang gastusin sa pang araw-araw.

Sa isang linggo umano nagkakasya sa kanilang pamilya na may apat na miyembro ang higit apat na kilo ng bigas—bagay na araw-araw umano nilang isipin sa kung saan kukuhaan ng pangbili dahil nasa PHP50 ang kada kilo ngayon nito sa merkado.

Tulad ng ibang Pangasinense, umaasa si ate Rowena na magtuloy-tuloy pa umano sana ang nasabing programa para mapakinabangan ng mas nakararami ang bigas sa murang halaga.

Sa ngayon, umaarangkada rin ang nasabing programa sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan kung saan pangunahing target ang mga pamilyang mababa ang kita, mga manggagawa, senior citizen, solo parent, at iba pang sektor na pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments