PBBM, tutungo bukas sa lalawigan ng Abra at iba pang lugar na apektado ng lindol

94

Nakatakda bukas ang pag-inspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga naging biktima ng malakas na pagyanig sa Abra at iba pang apektadong lugar.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na ngayong araw hinayaan na muna niyang makapagtrabaho ang mga local officials sa mga apektadong lugar para agad makaresponde sa mga pangangailangan ng mga biktima.

Kung pupunta raw kasi sya agad doon at magpupulong sila ay hindi agad makakapagbigay ng direktiba ang mga local officials para sa mabilisang ayuda.


Kaya namaan nagdesisyon siyang bukas na lang tumungo sa Abra at iba pang apektadong lugar.

Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ginagawa nila ang paraan na maibalik na agad ang supply ng kuryente, komunikasyon sa mga lugar na matinding apektado.

Pinagagawan din ng paraan ng pangulo na bago matapos ang araw na ito ay magiging passable na ang mga hindi madaanang kalsada at tulay.



Facebook Comments