PAGDIRIWANG NG 17TH FOUNDING ANNIVERSARY NG SDO CAUAYAN, MATAGUMPAY

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na ipinagdiwang ng Schools Division Office (SDO) Cauayan ang kanilang 17th Founding Anniversary ngayon araw, March 8, 2022.

Kasabay nito, nagsagawa ng motorcade parade ang pamunuan kasama ang iba’t ibang opisyal ng tanggapan sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr.
Bisita rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cauayan na pinangunahan ni City Mayor Bernard Dy at Vice Mayor Leoncio ‘Bong’ Dalin.

Labis naman ang pasasalamay ng alkalde sa bumubuo ng DepED Cauayan dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho bilang mga Guro na makapagturo sa mga mag-aaral sa iba’t ibang learning modality sa ilalim ng new normal.

Kasabay nito, inilunsad ng SDO Cauayan ang Project FRED (Firming Relevant skills, Knowledge Competencies, Fitness and Values through Enlivening Activities in Diverse Dance, Music arts and Wellness).

Kinilala naman ng DepED Cauayan ang malaking kontribusyon ng LGU sa suporta nito para sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at Guro.

Facebook Comments