ILIGAL NA DROGA NA NAKAHALO SA MONGO BEANS, NAREKOBER

Cauayan City, Isabela-Aabot sa P102,000 ang kabuuang halaga ng humigit kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na narekober ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng quick police response ang mga ito sa Tabuk City, Kalinga.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang drayber matapos mabatid na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga ang laman ng isang kargamento na tangkang ibibiyahe.

Agad namang tumugon ang mga awtoridad sa lugar kung saan positibong naglalaman ng iligal droga ang isang eco bag na nakahalo sa monggo beans.

Pinuri naman ni Kalinga PPO Acting Provincial Director PCol. Peter Tagtag ang operatiba na maagang tumugon sa impormasyon gayundin ang suporta at kooperasyon ng publiko sa pagbibigay impormasyon ng mga paglabag sa batas.

Ikinustodiya muna sa PNP Tabuk City ang mga narekober na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments