Isinagawa ng San Carlos City Police Station ang City Advisory Group for Police Transformation and Development o CAGPTD Meeting bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng pulisya sa iba’t ibang sektor sa lungsod.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, education sector, religious groups, at media upang talakayin ang mga programa at updates ng himpilan.
Kabilang sa mga natalakay ang Project Women on Wheels o PWOW na layuning palakasin ang police visibility at community engagement sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga babaeng pulis.
Nagbigay rin ng Certificate of Appreciation sa mga miyembro ng CAGPTD bilang pagkilala sa kanilang suporta sa mga programa ng Philippine National Police.
Ayon sa pulisya, magpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











