Iloilo Province, optional na rin ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas

102

Sumunod na rin ang probinsya ng Iloilo sa hakbang ng Cebu City na gawin na lamang na boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces.

Nagpalabas na rin kasi si Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor Jr., ng executive order (EO) para gawin na lamang na optional ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.

Pero batay sa EO, kinakailangan pa ring magsuot ng face mask sa indoor areas at mga public transportation.


Ang hakbang ng Iloilo Provincial Government ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na alisin na ang mandatory wearing of face mask sa katapusan ng taon na sya naman pinaboran ni Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments