Sa target na 1,111 batang may edad 0 hanggang 12 buwan na dapat mabakunahan sa munisipyo, 339 pa lamang ang naitalang fully immunized o kumpleto sa bakuna hanggang Mayo 31, 2026.
Target na mabigyan ang mga kabilang pa sa datos upang kompleto ang proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Dahil dito, pinaigting ng RHU Asingan ang panawagan sa mga magulang na tiyaking nasusunod ang iskedyul ng pagbabakuna ng kanilang mga anak.
Ayon kay Marilou Torio, Non-Communicable Disease Program Coordinator, kabilang sa mga libreng bakunang ibinibigay sa mga sanggol ang BCG, Hepatitis B vaccine, Pentavalent vaccine, Oral Polio Vaccine, at MMR vaccine laban sa measles, mumps, at rubella.
Binigyang-diin ng RHU na mahalagang makumpleto ng mga bata ang kanilang bakuna upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa komunidad.
Patuloy namang hinihikayat ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga sanggol sa pinakamalapit na health center at samantalahin ang libreng serbisyong pagbabakuna na iniaalok ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







