Pananatili ng typhon missiles sa bansa, gagamitin lamang bilang defense capabilites —NSC

Inihayag ni National Security Council (NSC) Assistant Dir. Gen. Jonathan Malaya na hindi maaaring diktahan ng China ang Pilipinas sa desisyon hinggil sa pananatili sa bansa ng Typhon Missile System.

Ayon kay Malaya, walang pakialam ang China kung anong plano at gawin sa mga missile mula sa Amerika.

Aniya, hindi naman nakikialam ang Pilipinas sa mga ginagawang hakbang ng China lalo na ang pagpapalipad ng missile nito tuwing magsasagawa ng military exercises.


Dagdag pa ni Malaya, wala rin karapatan ang China kung nais ng bansa na palakasin pa ang kapasidad sa pagbabantay at pagtatanggol sa mga nasasakupan.

Muling iginiit ng opisyal na idineploy ang mga typhon missile bilang defense capabilities at gagamitin lamang ito kung kinakailangan.

Bukod dito, pinaliwanag pa ni Malaya na hindi naman nangako ang Pilipinas na tatanggalin ang typhon missiles taliwas sa ipinapakalat na pahayag ng China.

Facebook Comments