Nagpaabot ng paglilinaw ang Lokal na Pamahalaan ng Tayug matapos kuwestiyunin ng ilang residente kung bakit may mga pamilyang nangangailangan na hindi umano
Ayon sa LGU, wala itong naging papel sa pagpili o pagtukoy ng mga pangalan ng nakatanggap o nakatakdang tumanggap ng rice subsidy. Hindi rin umano dumaan sa Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO ang proseso.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na nakatanggap lamang ito ng liham mula sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO ng Pangasinan, ngunit walang kalakip na listahan ng mga benepisyaryo para sa beripikasyon.
Dahil dito, hindi matukoy kung saan nagmula o kung sino ang bumuo ng naturang listahan.
Inilabas ang pahayag upang linawin sa publiko ang naging proseso at maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon hinggil sa pagpili ng mga benepisyaryo ng rice subsidy. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






