PNP PANGASINAN, HUMINGI NG PAUMANHIN SA UMANO’Y NA-HARASS NA PAMILYA SA BAYAN NG BAYAMBANG

BAYAMBANG, PANGASINAN – Humingi ngayon ng paumanhin ang Pangasinan Police Provincial Office sa pamilya ng di umanoy na-harass ng kapulisan na pamilya sa bayan ng Bayambang.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay PCol. Jeff Fanged, PNP Pangasinan Director, sinabi nito na mayroon ngang mga pumunta sa bahay ng pamilya Gallardo upang papirmahan ang una nitong statement na boluntaryo niyang sinabi na namatay ang mister nito noong taong 2021 at hindi umano totoo na magkaroon ng recantation na sinabi nito sa Senado.
Dagdag naman ni Fanged, winarningan at pinag-paliwanag na umano nito ang hepe ng PNP Bayambang at ang imbestigador kung bakit nagpabalik-balik ang ito sa tahanan ng pamilya Gallardo at sinabi naman ng imbestigador na nais lamang nitong tapusin sa gabing iyon ang kanyang investigation report dahil kailangan umano ng DILG kinabukasan ang naturang report.

Sa makailang beses umano na pagbalik at pagpunta ng mga imbestigador sa tahanan ng Gallardo ay sinasamahan naman umano sila ng mga opisyales ng Barangay.
Ipinag-utos naman ni Fanged na sa ikalimang pagbisita ng awtoridad at pawang mga babaeng tropa ang bumalik dito.
Sa ikaanim na pagbisita ay mismong si Director Fanged na ang pumunta para personal na ipaliwanag at sabihin ang totoong objective ng pagbisita sa kanila.
Humingi rin ng paumanhin ang opisyal at nagkaroon na nga ng pagkakaintindihan ang magkabilang panig. | ifmnews
Facebook Comments