‎JUVENILE PHILIPPINE COBRA, LIGTAS NA ITINURN-OVER SA ESWMO AT DENR SA BAYAMBANG

‎Boluntaryong isinuko sa Environmental and Solid Waste Management Office ( ESWMO)/Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang isang juvenile Philippine cobra ang boluntaryong isinuko ni Police Senior Master Sergeant (PSMS) Vina de Leon, na nakatalaga sa Bayambang Municipal Police Station matapos itong matagpuan sa kanilang bakuran.

‎Agad naman itong tinugunan ng ESWMO/MENRO para masigurong ligtas paghawak at pangangalaga sa naturang wildlife.

‎Matapos ang kaukulang proseso, itinurn-over ang ahas sa Department of Environment and Natural Resources–Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Dagupan noong lunes, alinsunod sa umiiral na mga batas at patakaran sa pangangalaga at pagpapakawala ng mga ligaw na hayop.

‎Samantala, muling pinaalalahanan ng ESWMO/MENRO ang publiko na iwasang hulihin, saktan, o patayin ang mga wildlife species na maaaring matagpuan sa kanilang lugar.

‎Hinikayat din ang mga residente na agad makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o sa iba pang kinauukulang awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad at ang wastong pangangalaga sa mga ligaw na hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments