
Bumilis sa 7.2% ang pagsipa ng inflation rate sa bansa nitong Abril mula sa 4.1% noong Marso ngayong 2025.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may tatlong rason ito; una, ay ang mabilis na pagsipa ng presyo ng mga good and non-alcoholic beverages na may 6% inflation rate at may 37.3% na shares sa pagtaas ng pangkalahataang inflation sa bansa partikular ang mga cereals at cereals products gaya ng bigas at mga isda at seafood partikular ang galungong.
Pangalawa ay ang mabilis na pagtaas ng presyo sa industriya ng transportasyon na may 21.4% inflation rate at may 33.1% share sa pagtaas ng pangkahalatang inflation sa bansa dahil sa mabilis na pagsirit ng presyo ng gasolina at diesel, maging ang pamasahe sa tricycle.
Pangatlo, ang mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels na may 8.2% inflation rate at may 23.9% kabuuang share sa inflation rate ng bansa dahil naman ito sa mabilis na pagsipa ng presyo ng LPG at nga rental fee.
Samantala, pasok naman sa top 5 contributors sa inflation rate ng bansa nitong Abril ay ang mabilis na pagsipa ng presyo ng bigas, gasolina, diesel, LPG, at mga restaurants, cafe, at iba pang katulad na establisyimento.
Ayon sa PSA, malaki ang epekto ng mabilis na pagsipa ng inflation rate ng bansa dahil kakambal nito ang pagba-budget ng mga Pilipino sa mga gastusin sa loob at labas ng bahay.










