INSIDENTE NG GRASSFIRE SA DAGUPAN CITY TUMAAS NOONG 2024; PUBLIKO HINIKAYAT NA MAKIISA SA FIRE ALARM PROGRAM

Tumaas ang naitalang bilang ng grassfire incidents sa Dagupan City nitong 2024 kung ikukumpara sa datos noong taong 2023.
Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), sa nitong nagdaang taon, kabuuang apatnapu’t-pitong mga insidente sa grassfire ang naitala, habang mayroong sampu lamang noong 2023.
Ilan sa natukoy na mga bahagi ng grass fire-prone areas ay mga Bonuan Boquig, Bonuan Binloc, Bolosan at Mangin.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsasagawa ng grass cutting activities at paglilinis sa mga barangay sa lungsod sa ilalim ng inilunsad na ‘Fire Alam’ upang maiwasan ang naturang insidente.
Samantala, bahagi ng naturang adhikain ang paghimok din sa mga pribadong mga establisyemento ng kanilang kooperasyon na panatilihing malinis kanilang nasasakupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments