Nagpapatuloy ang konstruksyon sa pagtatapos ng Phase 1 ng bagong pampublikong pamilihan ng Asingan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magbibigay ng moderno at malinis na pasilidad para sa mga residente ang naturang proyekto at mayroong karagdagang commercial spaces para sa mga nais mag renta ng puwesto.
Sa litratong ibinahagi ng tanggapan, makikita ang patuloy na paglalatag ng mga bakal sa naturang two-storey building.
Target ng lokal na pamahalaan na matapos at buksan ang pampublikong pamilihan ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Target ng lokal na pamahalaan na matapos at buksan ang pampublikong pamilihan ngayong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments