PAGBUO NG EVACUATION PLANS NG BAWAT BARANGAY SA DAGUPAN CITY, IGINIIT

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagkakaroon ng evacuation plans ang tatlumpu’t-isang barangay sa Dagupan City.

Alinsunod ito sa puspusang paghahanda ng lungsod ukol sa posibleng dalang banta ng tsunami na maaaring maging epekto ng malakas na pagyanig mula sa Manila Trench.

Matatandaan na noong December 2024, nakapagtala ng magkakasunod ng offshore tremors ang DOST-PHIVOLCS sa bahagi Sta. Catalina, Ilocos Sur.

Saklaw ng iminungkahing evacuation plans ang nararapat na mga hakbangin na dapat maipaalam sa mga residente.

Inihayag din ng alkalde ng lungsod ang kahalagahan ng tsunami evacuation drills, maging ang pagtatalaga sa mga may matataas na establisyemento at mga paaralan na maging katuwang upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, mas pinaigting sa ngayon ang kasanayan at kahandaan ng bawat barangay sa Dagupan City hindi lamang sa banta ng lindol maging sa anumang sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments