INSPEKSYON KONTRA SUNOG, IPINATUPAD SA URBIZTONDO PUBLIC MARKET

Mas pinaigting ang pagpapatupad ng fire safety measures sa pamilihang bayan ng Urbiztondo kasunod ng isinagawang inspeksyon ng mga awtoridad sa mga puwesto sa loob ng palengke.

Tinutukan sa aktibidad ang kalagayan ng electrical connections sa mga stall, kung saan natukoy ang ilang substandard na wiring na agad ipinag-utos na ayusin upang maiwasan ang panganib ng sunog, lalo na sa gitna ng mataas na temperatura.

Binigyang-diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa fire safety standards sa mga pampublikong pamilihan, bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa ligtas na operasyon ng mga negosyo at proteksyon ng mga mamimili.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ang mga stall owners hinggil sa mga kinakailangang dokumento tulad ng business permits at iba pang regulasyon na sinusuri sa ilalim ng safety compliance monitoring.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang hakbang ay bahagi ng regular na inspeksyon upang matiyak na ang lahat ng establisimyento sa pamilihan ay sumusunod sa mga itinakdang fire safety regulations at nakapaghahanda laban sa posibleng insidente ng sunog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments