
Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suboptimal o hindi umaabot sa inaasahang pamantayan ang ipinasang budget ngayong taon.
Pero ginagawan aniya ng pamahalaan ng administrasyon na maibalik ang mga nawala sa national expenditure program.
Ayon sa Pangulo, nireremedyuhan nila na mapondohan ang mahahalagang proyekto at programa partikular sa edukasyon at kalusugan.
Tinukoy nito ang savings kung saan maaaring hugutin ang pondo.
Kabilang sa mga proyektong nais ng Pangulo na maibalik ang budget ay ang para sa foreign-assisted projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Isinusulong ring mapindohan ang Basic Education Facilities Fund (BEFF) at Computerization Program ng Department of Education (DepEd).
Ang branding budget naman ng Department of Tourism (DOT) kukunin sa contingency fund ng Office of the President.