Isa pang lugar sa Barangay Valencia sa QC, inilagay na rin sa lockdown

Isinailalim na rin sa 14 days special concern lockdown ng Quezon City Government ang isang lugar sa Barangay Valencia sa District 4 dahil nakitaan ng mataas na bilang at clustering ng COVID-19 cases.

Simula kahapon, naka-lockdown na ang #11 Castilla St. sa Barangay Valencia at hindi na pinapahintulutang makalabas ang mga residente sa lugar sa loob ng 14 na araw.

Nabatid na mayroong 29 na confirmed cases ng COVID-19 sa Barangay Valencia kung saan 19 ang nakarekober na habang 10 ang ang active cases.


Pang walo na ang nasabing lugar na naka-lockdown sa ngayon.

Pinakahuling napabilang sa special concern lockdown ang:

• 950 Interior, Aurora Blvd. sa Mangga

• Sitio Ambuklao sa Baesa

• Bahagi ng Sitio Cabuyao 6A sa Sauyo

• 72 Fulgencio St., Sitio Lambak sa Krus na Ligas

• 17 Isarog St., sa Sta. Teresita

• 198 E Rodriguez Sr., Blvd., sa Doña Imelda

Facebook Comments