Philippine Ambassador sa Norway, nakipagpulong sa opisyal ng cruise ship na sinasakyan ng ilang Pinoy na nagpositibo sa COVID-19

Humarap kay Philippine Ambassador to Norway Jocelyn Batoon-Garcia si Hurtigruten Cruises Chief Executive Officer Daniel Skjeldam sa Philippine Embassy sa Oslo para magbigay ng update sa kalagayan ng Filipino seafarers na sakay ng cruise ship na MS Roald Amundsen.

Ang naturang barko ay nakahimpil sa pier sa Northern Norway matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 41 na sakay nitong pasahero at crew

32 sa mga crew ang nagpositibo sa virus kabilang na ang ilang Pinoy.


Tiniyak naman ng opisyal ng nasabing shipping company na tutugunan ng kumpanya ang lahat ng pangangailangan ng Pinoy seafarers.

Tiniyak din ni Ambassador Garcia na magpapatuloy ang pagpapadala ng Pilipinas ng Pinoy skilled at professional seafarers sa Norway.

Facebook Comments