DALAWA KATAO ARESTADO SA ANTI ILLEGAL GAMBLING OPERATION SA SAN CARLOS CITY

Dalawa katao arestado sa anti-illegal gambling operation sa San Carlos City.
Arestado ang dalawa katao matapos ang ikinasang anti-illegal gambling operation ng PNP sa San Carlos City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Santiago Beltran at Lito Malasan mga residente ng San Carlos City.
Ikinasa ang anti-illegal gambling operation pasado alas-dose ng tanghali na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng mga illegal gambling paraphernalia at pataya na aabot ng mahigit dalawang libong piso.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.
Facebook Comments