50 SPES BENEFICIARIES SA DAGUPAN, TINANGGAP ANG KANILANG SAHOD MATAPOS ANG 20 ARAW NA SUMMER JOB

Tinanggap na ng limampung estudyante sa Dagupan City ang kanilang sahod matapos makumpleto ang 20-araw na pagtatrabaho sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Dagupan, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng kabuuang ₱12,142 bilang sahod. Sa nasabing halaga, 60 porsiyento o ₱7,285 ay nagmula sa Local Government Unit (LGU), habang 40 porsiyento o ₱4,857 naman ay mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Malaking tulong umano ang natanggap na sahod ng mga SPES beneficiaries upang madagdagan ang kanilang gastusin sa pag-aaral at iba pang pangangailangan sa edukasyon.

Ang implementasyon ng programa ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Public Employment Service Office (PESO) Dagupan.

Layunin ng SPES na mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga estudyante tuwing bakasyon upang matulungan silang matustusan ang kanilang pag-aaral habang nagkakaroon ng karanasan sa pagtatrabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments