Friday, September 11, 2026

Kampo ni VP Sara, gagawin ang lahat ng legal remedy matapos ibasura ng Taguig RTC ang unang kasong perjury laban kay Ramil Madriaga

Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na gagawin nila ang lahat ng legal remedy matapos ibasura ng Office of the City Prosecutor ng Taguig ang unang reklamong perjury na isinampa laban kay Ramil Madriaga.

Ibinasura ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya.

Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., legal counsel at tagapagsalita ng bise presidente, gagamitin nila ang lahat ng legal remedy para kuwestiyunin ang desisyon at ipagpapatuloy ang ikalawang reklamong perjury laban kay Madriaga.

Naniniwala silang pulitikal ang naging desisyon at iginiit na sapat ang kanilang iniharap na ebidensiya para maipakita na nagsinungaling umano sa ilalim ng panunumpa si Madriaga.

Sinabi rin ng kampo ni VP Sara na ang unang reklamo ay binubuo ng mahigit 300 pahina ng mga salaysay, dokumento at testimonya ng mga testigo, habang ang ikalawang reklamong perjury ay may higit 750 pahina ng karagdagang ebidensiya.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang Office of the City Prosecutor ng Taguig kaugnay sa naging reaksiyon ng kampo ng bise presidente.

Facebook Comments