Isang abandonadong sasakyan, natagpuan sa San Andres Street, kanto ng M.H Del Pilar Street sa Malate, Maynila

Sinisiyasat ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District-SOCO (MPD-SOCO) ang isang sasakyan na iniwan sa may San Andres Street, kanto ng M.H. Del Pilar Street sa Malate, Maynila.

Ang nasabing sasakyan ay isang BMW na may plakang NDE-5943 na natagpuan at ini-report ng mga tanod ng Brgy. 701, Zone-77 District 5 sa mga otoridad.

Kwento ng mga tanod, madaling araw pa lang ng makita nila ang kotse na umaandar pa pero wala itong driver o pasahero.


Bukas din ang audio system at dash cam nito kung saan kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Maging ang kuha ng CCTV ng Brgy. 701 ay planong i-review na ng mga otoridad para matukoy kung sino ang nag-iwan nito.

Facebook Comments